iMINDSPH

Isang M203 Tube, isang Cal .50 Barrett, isang M79 grenade launcher, apat na 12-gauge shotgun, isang Caliber .38, at isang Caliber .357 at tatlong 40mm HE grenades, mga magazine, at iba’t ibang uri ng bala ang isinuko ng mga residente ng Pandag, Maguindanao del Sur sa militar.
Ayon kay Lt. Col. Felmax Lodriguito Jr., pinuno ng 2nd Mechanized Battalion, ang pagsuko ng mga baril ay resulta ng mas pinaigting na kampanya kontra loose firearms.
Sa isang seremonya nitong Marso 26, 2025, itinurn-over ang mga nasabing armas kay Col. Ronel Manalo, Acting Commander ng 1st Mechanized Brigade. Pinangunahan ito ni Pandag Mayor Mohajeran Balayman, kasama ang pitong punong barangay ng bayan.
Sa isang pahayag sinabi ni Major General Donald M. Gumiran, Commander ng 6ID at JTFC na ang pagsuko ng mga loose firearms ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas mapayapang komunidad.
Patuloy ang panawagan ng militar sa publiko na makipagtulungan sa awtoridad upang tuluyang maalis ang mga ilegal na armas at mapanatili ang kapayapaan sa buong rehiyon.
Comentarios