top of page

P34K cash assistance, tinanggap ng 7 piece-rate workers sa tulong ng MOLE

iMINDSPH



Pitong piece-rate workers mula sa isang general merchandising business sa Cotabato City ang tumanggap ng kabuuang ₱34,000.00 cash assistance sa tulong ng Ministry of Labor and Employment.



Tinanggap ng mga ito ang tulong araw ng Martes, Marso a-25.



Ang assistance ay ibinigay sa ilalim ng Labor Case Management program ng Bureau of Labor Relations and Standards o BLRS ng MOLE na nagbibigay ng mabisa at accessible dispute resolutions hinggil sa labor concerns nang hindi na kinakailangan pa ang formal litigation.



Alinsunod sa adhikain ng tanggapan ang pagsusulong ng industrial harmony, nagpapatuloy ang MOLE sa pagbibigay ng assistance sa mga apektadong manggagawa sa rehiyon upang protektahan ang kanilang karapatan at matiyak ang fair labor practices sa mga programa ng ahensiya.



Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page