2 drug suspects, arestado sa buy-bust operation ng otoridad sa Barangay Sulit, Polomolok, South Cotabato
- Teddy Borja
- May 19
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Polomolok, South Cotabato-
Timbog ang dalawang drug suspects at nakumpiska ang Php 68 thousand pesos na halaga ng suspected shabu sa ikinasang buy-bust operation ng otoridad.
Isinagawa ang operasyon a-17 ng Mayo sa Barangay Sulit ng bayan.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Faisal” 35-years old, at alyas “Riko” 30 years old, pawang residente sa lugar.
Nasa kustodiya na ng Polomolok Municipal Police Station ang mga naaresto at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comentarios