top of page

2 drug suspects sa Cagayan de Oro City, arestado sa anti-illegal drug operation ng awtoridad; P680k halaga ng suspected shabu, nasamsam!

  • Diane Hora
  • 4 days ago
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Timbog ang isang alyas “Alvin”, 49-anyos, residente ng Marawi City sa buy-bust operation ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit ng Iligan City Police Office sa Barangay Saray.


Nasamsam sa operasyon ang siyam na plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 50 gramo at na may Standard Drug Price (SDP) na PhP340,000.00.


Batay sa rekord, dati nang naaresto si alyas “Alvin” ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa paglabag sa Republic Act 9165. Pinaniniwalaang mula pa sa Lanao del Sur ang mga iligal na droga at ikinakalat nito sa Iligan City.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICPS5, ICPO ang suspek at sasampahan ng kaso sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Samantala, sa hiwalay na operasyon noong Hulyo 28, 2025, inaresto naman ng PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit 10 (PDEG-SOU 10), katuwang ang iba pang operating units, ang isang high-value individual sa Zone 3, Barangay 17, Cagayan de Oro City sa isang buy-bust operation.


Kinilala ang suspek na si alyas “Mego”, 43 taong gulang, isang technician, may asawa, at residente ng nasabing lugar. Kasama umano sa operasyon si alias “CJ”, 21 taong gulang at pinaniniwalaang anak ni Mego, ngunit nakatakas sa kabila ng presensya sa mismong operasyon.


Nasamsam mula sa operasyon ang 16 na heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang din ng humigit-kumulang 50 gramo at may halagang PhP340,000.00, isang cellphone, isang kaha ng sigarilyo, sling bag, at PhP1,000.00 buy-bust money.


Ang mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng PDEG-SOU 10, habang ang mga suspek ay sasampahan ng kaso sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng R.A. 9165. Kasong paglabag sa Section 5 rin ang isasampa laban sa nakatakas na suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page