top of page

3 patay, 4 sugatan kabilang na ang isang sibilyan nang magkabakbakan ang 2 grupo ng MILF sa Shariff Saydona Mustapha, MagSur; Maraming sibilyan, lumikas dahil sa takot at nanawagan sa BARMM Government

  • Teddy Borja
  • Aug 11
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Ginulantang ng mga putok ng baril ang mga residente ng Barangay Linantangan, Shariff Saydona Mustapha alas-8:40 ng umaga, araw ng Linggo, August 10, 2025.


ree

Sa report ng PNP PRO BAR, sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng grupo ni Zainudin Kairo, Commander ng 128th MILF Base Command, at Commander Malibuteng, laban sa grupo nina Kagi Gani Adam, Commander Tuhami Mamulintaw, at Esmail Salim ng 118th MILF Base Command.


ree

Sa report ng PNP PRO BAR, sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng grupo ni Zainudin Kairo, Commander ng 128th MILF Base Command, at Commander Malibuteng, laban sa grupo nina Kagi Gani Adam, Commander Tuhami Mamulintaw, at Esmail Salim ng 118th MILF Base Command.


Ang alitan ay kaugnay umano sa rido o away-pamilya.


Ayon sa PNP PRO BAR, tatlo ang patay sa grupo ni Commander Malibuteng at tatlo rin ang sugatan. Sugatan din ang isang sibilyan na construction worker matapos tamaan ng ligaw na bala


Dagdag ng PNP PRO BAR, ang putukan ay inireport ni kapitan Ali Atong sa Shariff Saydona Mustapha Municipal Police Station (SSMMPS) alas-9:15 ng umaga, araw ng Linggo.


Narekober sa crime scene ang 113 piraso ng 5.56mm fired cartidge cases

2 fired cartridge cases of Cal. 30, 1 fired cartridge case of M14, 1 Live ammunition of 5.56mm, 1 fired cartridge case of cal.45, 2 mini vans na ginamit ng mga bitkima.


Base sa impormasyon na nakalap ng PNP PRO BAR, sakay ng tatlong minivan ang grupo ni Commander Malibuteng ng 128th MILF Base Command at patungo sa Barangay Pembalkan, Mamasapano, nang bigla silang pagbabarilin pagdating sa Proper, Barangay Linantangan ng grupo nina Commander Kagi Gani Adam, Commander Tuhami Mamulintaw, at Esmail Salim ng 118th MILF Base Command.


Dito na umano nagsimula ang palitan ng putok ng dalawang grupo.


Nanawagan ang ilang residente sa BARMM Government na tulungan sila at agarang gumawa ng hakbang upang matigil na ang nangyayaring karahasan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page