top of page

2 grupo ng MILF, nagkasagupa sa Tugunan, SGA; Ilang residente, lumikas sa lugar dahil sa takot

iMINDSPH


Alas 8:50 ng gabi, araw ng Linggo, March 2, ayon sa militar nang sumiklab ang putukan sa pagitan ng grupo ng isang Kandotoy Abdullah, miyembro ng National Guard ng MILF at grupo ng isang Apang Abdulkarim, kapatid ng napaslang na si Pli Zacaria Abdulkarim ng 118th BC, BIAF, MILF sa Macabual, Tugunan, SGA-BARMM.



Hanggang araw ng Lunes, March 3, mayroon pa rin umanong manaka-nakang putukan sa lugar


Mayroon ring napaulat na paglikas ng labintatlong pamilya mula sa Sitio Kaltan, Barangay Macabual na kasalukuyan na nasa Barangay Balong.


Ayon sa militar, ito ay kaugnay sa pagkakapaslang kay Pli Zacaria Abdulkarim, a-1 ng Marso.


Sa ngayon, ayon sa 6th Infantry Division, patuloy nilang inoobserbahan ang sitwasyon.


Kasalukuyan ding nagsasagawa ang 40IB ng blocking operations at patuloy na minomonitor ang lugar sa posibleng pagsiklab muli ng putukan.


Pinaiigting din ng 40IB ang checkpoint operations para mapigilan ang reinforcement mula sa magkabilang grupo.


Dagdag ng 6th ID, plano ding pumunta ng OIC Mayor ng Tugunan sa pinangyarihan ng putukan para kausapin ang lider ng dalawang naglalabang grupo.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page