top of page

2 lalaki arestado sa buy-bust operation sa Banaybanay, Davao Oriental; PhP 680,000 na halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam!

iMINDSPH


Tiklo sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina alias “Paps” at alias “Ken” sa ikinasang joint drug buy-bust operation sa Purok 6B, Brgy. Poblacion, Banaybanay, Davao Oriental, a-17 ng Marso, 2025.


Nakumpiska sa operation ang anim na heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu at may Standard Drug Price na PhP 680,000.00.


Nakuha rin ang isang 500 - peso bill, mobile phone at motorsiklo.


Dinala naman sa Banaybanay Municipal Police Station, Davao Oriental Police Provincial Office ang mga nahuli para sa tamang disposisyon.


Ang isinasagawang anti-illegal drug operations at paghuli sa mga drug personalities ay resulta ng kampanya ng PRO 11 laban sa iligal na droga alinsunod sa strategic implementation ng anti-drug campaign ni Chief, PNP, PGEN ROMMEL FRANCISCO D MARBIL.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page