top of page

2 indibidwal kabilang na ang isang driver, arestado sa buy-bust operation ng awtoridad sa General Santos City

  • Teddy Borja
  • 4 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Himas rehas ang mga suspek na kinilala sa alyas “Digong”, residente ng Barangay Conel, General Santos City at alyas “Eve”, residente ng City Heights


Ikinasa ang operasyon alas 11:30 ng gabi, araw ng Linggo, July 27 sa Barangay Conel.


Nasamsam mula sa kanilang pag-iingat ang labing-isang (11) heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may tinatayang halagang Php193,392.00, at isang PhP1,000.00 na ginamit bilang buy-bust money.


Agad na dinala ang mga suspek sa Police Station 9 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Kasalukuyang inihahanda na ang mga kaso laban sa kanila para sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Patuloy ang pagtutok ng PRO 12 sa mga operasyon kontra ilegal na droga bilang bahagi ng kanilang layuning gawing ligtas, payapa, at drug-free ang buong rehiyon.

 
 
 

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page