2 miyembro umano ng Dawlah Islamiyah-Hassan Group, patay habang 2 pang kasamahan ng mga ito nasawi matapos maka-engkwentro ang militar sa Mamasapano, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
IMINDSPH

Nakasagupa ng mga sundalo ng 6th Infantry Battalion ang mga miyembro umano ng Dawlah Islamiyah-Hassan Group, pasado ala 1:00 ng madaling araw ng Linggo, June 22 sa Barangay Libutan, Mamasapano.

Ayon sa 6th Infantry Division, nasawi sa bakbakan ang isang Tahir, 41-anyos, residente ng Barangay Baka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte; at Binladin, 23 taong gulang na nakatira naman sa Macasampen, Guindulungan, Maguindanao del Sur.
Dalawang kasamahan ng mga ito ang sugatan sa engkwentro arestado ng awtoridad.
Kinila ito ng 6th ID na sina Junjun, 37, mula sa Barangay Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur; at Rasul, 31 years old, residente ng Barangay Bagan, Guindulungan, Maguindanao del Sur.
Agad isinugod ng mga sundalo sa pagamutan ang mga sugatan.
Naglunsad ng decisive military operations ang militar matapos makatanggap ng ulat ang hinggil sa pagtitipon ng mga lokal na terorista sa lugar.
Ayon sa militar, binabalak din umano ng mga ito na maghasik ng karahasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga IEDs sa mga matataong lugar.

Nakumpiska ng militar sa lugar na pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang M16A1 rifles, isang caliber .45 pistol, mga sangkap sa paggawa ng improvised explosive device (IED), isang unexploded ordinance (UXO), iba’t ibang cellphone, isang Bushnell monocular scope, sirang bipod, kagamitang pangkomunikasyon, at isang female clutch bag na naglalaman ng mga pekeng ID.
Pinuri naman ni Major General Donald Gumiran, Commander ng 6ID at JTFC ang maagap na pag responde ng tropa ng pamahalaan.
留言