iMINDSPH

Isinagawa ang signing araw ng Martes, March 4 mula alas 9:00 ng umaga hanggang 12:30 ng hapon sa Tugunan, Special Geographic Area.

Dinaluhan ito ni Maguindanao del Norte Provincial Police Director Eleuterio Ricardo Jr sa pakikipagtulungan ng OIC Mayor sa bayan, Abdullah Abas at Municipal Administrator Nasser Gayagay.

Ayon sa PNP PRO BAR, isang mahalagang hakbang ito upang hindi na masundan pa ang nangyaring girian sa pagitan ng dalawang grupo.

Alas 8:50 ng gabi, araw ng Linggo, March 2, ayon sa militar nang sumiklab ang putukan sa pagitan ng grupo ng isang Kandotoy Abdullah, miyembro ng National Guard ng MILF at grupo ng isang Apang Abdulkarim, kapatid ng napaslang na si Pli Zacaria Abdulkarim ng 118th BC, BIAF, MILF sa Macabual, Tugunan, SGA-BARMM.

Hanggang araw ng Lunes, March 3, mayroon pa rin umanong manaka-nakang putukan sa lugar.

Mayroon ring napaulat na paglikas ng labintatlong pamilya mula sa Sitio Kaltan, Barangay Macabual na kasalukuyan na nasa Barangay Balong.

Ayon sa militar, ito ay may kaugnay sa pagkakapaslang kay Pli Zacaria Abdulkarim, a-1 ng Marso.









Comments