iMINDSPH
Itatayo ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education sa Kalanganan 2, Cotabato City ang dalawang palapag ng peace center building.
Isinagawa ang groundbreaking ng proyekto, a-23 ng Setyembre. Ito ay nagkakahalaga ng 4,945,162.30 na pinondohan sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund 2023.
Layunin ng proyekto na mapaunlad ang learning infrastructures, lalo na sa peace education, at matugunan ang mga isyu sa mga conflict-affected areas.
Comments