2 pamilya sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte na mayroong alitan sa lupa, nagka-ayos na
- Teddy Borja
- 3 days ago
- 1 min read
iMINDSPH
Nagka-ayos na ang dalawang pamilya sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte na mayroong alitan sa lupa sa tulong ng lokal na pamahalaan at awtoridad.
Sa pangunguna ni Sultan Mastura Mayor Datu Mando Mastura, nagka-ayos na ang pamilya Haron at Panansaran sa bayan.
Nagharap ang representante ng dalawangpamilya kasama ang mga kinatawan mula sa PNP, Philippine Marines at mga barangay official.
Isinagawa ang dayalogo, araw ng Martes, Hulyo 29, 2025 sa Barangay Tambo, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Parehong nangako ang magkabilang panig na hindi na gagawa ng hakbang na magreresulta sa karahasan.


Comments