top of page

2 panukalang batas na naglalayon na palawakin pa ang irrigation system sa BARMM at magtatag ng regional irrigation coordinating office, itinutulak sa BARMM

  • Diane Hora
  • 8 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Gumugulong na ang public consultation hinggil sa Parliament Bill No. 42 o ang pagpapalakas ng irrigation system sa buong BARMM at ang Parliament Bill No. 08 na nagpapanukala na magtatag ng regional irrigation coordinating office.



Ikinasa ng Committee on Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform ang unang public consultation sa Zamboanga City na pinangunahan ni Member of Parliament Mosber Alauddin.



Ikinatuwa naman ni Katherine Grace Lumilis, Legal Officer ng National Irrigation Administration sa Region IX, ang panukala para sa isang regional office. Aniya, makatutulong ito sa mas maayos na koordinasyon at pagpapatupad ng mga proyekto, lalo na sa mga isla.



Pabor din sa panukala si Aidarus Nami, Provincial Director ng MAFAR sa Tawi-Tawi. Ayon sa kanya, may higit 1,000 ektarya ng lupa sa kanilang lalawigan na maaring linangin para sa taniman ng palay at gulay kung magiging sapat ang irigasyon.


Magsasagawa naman ng panibagong round ng konsultasyon ang komite sa mga probinsya ng mainland BARMM sa susunod na linggo.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page