AMBaG, nakipagpulong sa COMELEC BARMM upang matiyak na magpapatuloy ang pagpapatupad ng programa at walang malalabag na patakaran o batas ng Komisyon sa gitna ng paghahanda sa araw ng halalan sa BARMM
- Diane Hora
- 8 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nagtungo sa tanggapan ni COMELEC-BARMM Regional Director Atty. Rey Sumalipao sa Bangsamoro Government Center ang mga opisyal at kinatawan ng AMBaG Provincial Management Office

Layunin ng pagbisita na linawin ang mga patakaran ng COMELEC kaugnay ng election period, upang matiyak na ang pagpapatuloy ng Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government o AMBaG ay alinsunod sa batas habang papalapit ang BARMM Parliamentary Elections sa Oktubre 2025.
Bahagi ito ng hakbang ng AMBaG upang mapanatiling transparent at compliant ang programa, habang tuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong-medikal sa mga nangangailangang Bangsamoro.
Comments