Pangalawang regional historical marker ng BARMM Government, itinayo sa Kuta Kastila, isang Spanish-era fort sa Bongao, Tawi-Tawi
- Diane Hora
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nanguna ang Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage o BCPCH sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit ng Bongao sa installation ng second regional historial marker ng Bangsamoro Government sa Kuta Kastila.

Isa itong Spanish-era fort sa Barangay Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi.

Ang installation ay isinagawa, araw ng Sabado, July 5 bilang pagkilala sa historical at cultural significance nito.
Ayon sa BCPCH, ang marker ay sumisimbolo ng Moro resilience.
Ang Kuta Kastila ay itinayo noong 1882, na kalaunan ay inabandona dahil narin sa pakikipaglaban ng mga moro.
Nadiskubre itong muli nang magkaroon ng insidente ng sunog taong 2000 kung saan dito pansamantalang tumuloy ang mga residenteng apektado.
Ni-reclaim ito at deniklara na historical landmark ng local government.
Ang unveiling ceremony ay pinangunahan ni Chairperson Lingasa, Executive Director Akmad Mama, Commissioner Madjilon, at Bongao Municipal Administrator Mary Ann Abdulmunap.
Naroon din sa aktibidad si Provincial Tourism Officer Pershing Taiyab; MTIT Tawi-Tawi representative Basri Hji. Amin; Bongao Municipal Tourism Officer Kinlene Aming; members ng Sangguniang Bayan ng Bongao; at Barangay Poblacion officials.
Ang unang historical marker ay ininstall sa dating tirahan ng yumaong Sheikh Salamat Hashim sa Maguindanao del Norte.
Layunin ng BCPCH na ipagpatuloy ang heritage program sa Lanao del Sur, Sulu, at Basilan.
Comments