CONGRESSIONAL LEARNING TRIP NG US SA BARMM
- Diane Hora
- 4 hours ago
- 2 min read
iMINDSPH

Ang kritikal na papel na ginagampanan ng United Nation sa pagtulong sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa paghulma ng matibay na institutions, pagsuporta sa mga internally displaced communities, pagpapabuti sa access sa health at nutrition, pagsusulong ng inclusive eduation at pagpapahusay pa sa disaster risk management intervention-ang ilan sa tinalakay sa paghaharap nina BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua at delegado mula sa United States Government.

Dumating sa rehiyon ang delegasyon ng gobyerno ng Estados Unidos para sa isang congressional learning trip.

Nais mabatid ng mga bisita ang mga ginagawang pagtulong ng United Nations sa Bangsamoro region, kabilang na ang mga hamon at oportunidad para sa pag-unlad ng rehiyon.

Ang delegasyon mula sa US Government ay pinangunahan ni Legislative Director Giselle Gioconda Reynolds mula sa tanggapan ni Rep. Mario Diaz-Balart, na Chairman ng House Appropriations National Security, Department of State, at Related Programs Subcommittee-

Legislative Dir. Rebecca Juliet Flikier ng tanggapan ni Rep. Lois Frankel, isang Ranking Member, House Appropriations National Security, Department of State, and Related Programs Subcommittee-
Kade Aaron Smith, legislative assistant mula sa tanggapan ni Rep. Julia Letlow ng House Appropriations National Security, Department of State, and Related Programs Subcommittee-
Justina Marie Graff, professional staff member mula sa House Agriculture Committee at Keely Victoria Yukimi Thompson, legislative assistant mula kay Rep. Ed Case ng House Appropriations Committee na Co-Chair din ng Congressional Pacific Islands Caucus.
Kasama rin sa pulong si
Dir. William Keith Davis ng United Nations Information Center o UNIC Washington
Dir. Mariana Becerra ng North American Advocacy, Eleanor Crook Foundation; Senior Director Micah Levi Spangler, Advocacy and External Relations, UNF
Senior Manager Mary Glendora Meikle ng International Engagement and Advance o UNF
Faith Elizabeth Leslie, senior communications and legislative associate, UNF at
Matija Kovac, office head ng United Nations Resident Coordinator o UNRCO sa bansa.
Bukod sa mga ito, dumalo rin ang mga representante mula sa World Food Programme (WFP) Philippines; United Nations Children's Fund (UNICEF); United Nations Population Fund (UNFPA) Philippines; at International Organization for Migration (IOM) Philippines.
Comments