Halal products ng Bangsamoro Entrepreneurs, ibinida sa SALAAM 2025: The Halal Tourism and Trade Expo Philippines na ginanap sa Quantum Skyview, Quezon City
- Diane Hora
- 4 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ipinamalas ng Ministry of Trade, Investments, and Tourism (MTIT) ang mga halal products ng Bangsamoro entrepreneurs sa SALAAM 2025: The Halal Tourism and Trade Expo Philippines na ginanap sa Quantum Skyview, Quezon City.

Ang exhibit ay inorganisa ng Department of Tourism (DOT) mula June 27 hanggang June 29 upang iposisyon ang Pilipinas bilang world-class Halal destination at aktibong kalahok sa pandaigdigang Halal economy.

Ayon sa MTIT, layunin ng pagtitipon na ipakilala ang mga produktong may Halal certification at itaguyod ang makabuluhang dayalogo ukol sa Halal lifestyle, negosyo, at turismo.
Ipinagmalaki sa expo ang mga produkto mula sa homegrown MSMEs ng BARMM tulad ng Yantakoz, Samra’s Maguindanao delicacies, at Tahanie Inaul.
Sa patuloy na pakikilahok ng rehiyon sa mga pambansang aktibidad, patunay ito ayon sa BARMM na muling pinatunayan ng MTIT ang kanilang paninindigan para sa inklusibong Halal industry—isang industriya ng karangalan at oportunidad para sa mga Bangsamoro entrepreneurs.
Comentarios