Bigas at food packs, hatid ng Project TABANG sa 1,100 residente ng Shariff Saydona Mustapha
- Diane Hora
- 8 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Namahagi ng 250 sako ng bigas at food packs ang Project TABANG para sa mahigit 1,100 benepisyaryo sa Sitio Dugengen, Barangay East Libutan, at Barangay Linantangan ng Shariff Saydona Mustapha.

Ito ay pinangunahan ng Ayuda Alay sa Bangsamoro o ALAB, a-7 ng Hulyo.

Kasama sa distribusyon si Maguindanao del Sur Provincial Vice Governor Shiek Hissam Nando at ang mga miyembro ng provincial board.

Layon ng tulong na ito na maibsan ang kakulangan sa pagkain sa mga vulnerable communities, kasabay ng pagpapatibay sa adbokasiya ng Bangsamoro Government para sa moral governance at makataong serbisyo publiko.
Comments