₱20.6M shabu, nasamsam; 2 HVI, arestado sa Tagbilaran City, Bohol
- Teddy Borja
- 14 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon sa PNP, narekober mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 3,040 gramo ng hinihinalang shabu.
Isinagawa ang operasyon ng Tagbilaran City Police Station, katuwang ang Bohol Police Provincial Office, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga.
Ayon kay Acting PNP Chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagkakaaresto ay patunay ng determinasyon ng kapulisan na sugpuin ang ilegal na droga at protektahan ang mga komunidad.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at sasampahan ng kaukulang kaso sa ilalim ng Republic Act No. 9165.



Comments