20-anyos na lalaki, arestado matapos makuhanan ng suspected shabu sa isang police checkpoint operation sa Barira, Maguindanao del Norte
- Teddy Borja
- Apr 3
- 1 min read
iMINDSPH

Pinigil sa isang police checkpoint operation ang suspek, ala 1:30 ng hapon, a-uno ng Abril sa Barangay Lipawan ng bayan.
Sakay ng motorsiklo na walang plate number ang suspek. Nang tanungin ng otoridad kung bakit wala itong plate number at driver’s license, kinabahan na umano ang suspek ayon sa report ng otoridad.
Nang kinuha na umano ng suspek ang pitaka nito ay dito na nahulog ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.
Narekober din mula sa suspek ang isang lighter at identification cards.
Nasa kustodiya na ito ngayon ng Barira MPS para sa proper disposition.
Comments