top of page

20-anyos na payong-payong driver, arestado sa buy-bust operation sa Barangay Mother Bagua, Cotabato City

  • Teddy Borja
  • 8 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ang isang payong-payong driver sa ikinasang operasyon ng awtoridad sa Barangay Mother Bagua.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Bandam”, residente ng nasabing barangay.


Nahuli ito ng awtoridad ala 5:50 ng hapon, araw ng Huwebes, July 31.


Ang operasyon ayon sa pulisya ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng Cotabato City Police laban sa ilegal na droga, kasabay ng mahigpit na direktiba ng pamunuan ng Philippine National Police at suporta ng PDEA-BARMM upang masugpo ang iligal na aktibidad sa lungsod.


Ang mga nakumpiskang ebidensiya at ang suspek ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page