top of page

20 matataas na kalibre ng armas, isinuko sa militar ng apat na dating violent extremists sa Maguindanao del Sur

  • Teddy Borja
  • Nov 24
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ipinrisinta kay Brigadier General Edgar Catu, Commander ng 601st Brigade, ang dalawampung (20) matataas na kalibre ng armas kasabay ng pagsuko ng apat (4) dating miyembro ng violent extremists sa Himpilan ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Germen Legada, Commanding Officer ng 33IB na nakabase sa Brgy. Zapakan, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur.


Kabilang sa mga isinukong armas ang dalawang (2) 60mm mortars, apat (4) Rocket Propelled Grenade (RPG) launchers, at labing-apat (14) pang iba’t ibang uri ng matataas na armas.


Ayon sa 6th ID at Joint Task Force Central, resulta umano ito ng tuloy-tuloy na negosasyon at community engagement ng militar sa mga komunidad na dating pinamumugaran ng extremist groups.


Sinabi ni Brigadier General Catu na ang pagsusuko umano ng apat na dating miyembro ng violent extremists at ang pag-turn over ng dalawampung matataas na armas mula sa iba't ibang bayan sa ilalim ng Maguindanao del Sur ay isang malaking hakbang tungo sa patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan sa probinsiya.


Ayon kay Major General Jose Vladimir Cagara, Commander, 6th Infantry (Kampilan) Division at JTF Central, ang matagumpay na pagsuko ng mga dating miyembro ng violent extremist group ay patunay na epektibo ang ating peace initiatives at whole-of-nation approach sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page