top of page

200 Decommissioned Combatants sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, sumailalim sa Cash for Work orientation ng Ministry of Social Welfare and Development

  • Diane Hora
  • Nov 21
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sumailalim sa Cash for Work orientation ng MSSD ang dalawang daang decommissioned combatants mula sa iba't ibang barangay ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, araw ng Miyerkules, November 19.


Layunin ng programa na magbigay ng pansamantalang kabuhayan sa mga kwalipikadong benepisyaryo.


Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XII at Municipal Social Welfare and Development Officer ng MSSD ang aktibidad.


Natanggap ng mga kwalipikadong combatants ang kanilang benepisyo bilang bahagi ng pagsuporta sa kanilang reintegrasyon sa komunidad.


Ang naturang programa ay bahagi ng inisyatiba ng DSWD na naglalayong magbigay ng kabuhayan at suporta sa mga dating combatants.


Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Sultan Mastura, sinigurong maayos ang pagpapatupad ng aktibidad at ang pagbibigay ng benepisyo sa mga kwalipikadong benepisyaryo, upang mabigyan sila ng pagkakataon na muling makapagsimula ng panibagong buhay.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page