top of page

2024 ENTRANCE CONFERENCE, IKINASA NG MBHTE AT COA

iMINDSPH


Ikinasa ng MBHTE at BARMM Commission on Audit ang 2024 Entrance Conference na naglalayong itaguyod ang highest standards ng transparency, accountability at pagsunod sa batas hinggil sa operasyon ng ministry.


Isinagawa ng MBHTE at BARMM Commission on Audit ang 2024 Entrance Conference na naglalayong itaguyod ang highest standards ng transparency, accountability at pagsunod sa batas hinggil sa operasyon ng ministry.



Ikinasa ito a-27 ng Setyembre. Ang Conference ay hudyat na rin ng pagsisimula ng 2024 audit process na isang kritikal na hakbang sa pagsiguro ng maayos na paggamit ng public funds para sa education services sa buong rehiyon.



Pagkakataon rin ito ng dalawang tanggapan kung saan tinalakay ang mga mahahalagang usapin hinggil sa audit kabilang na ang objectives, schedules, timelines, at methodologies.



Binigyang diin ni BARMM COA Regional Director Rasdy Mitmug, ang kahalagahan ng pagkakaisa ng MBHTE at COA sa pagsusulong ng transparency at accountability.



Iginiit naman ng MBHTE ang kanilang pangako na ang transparency at accountability ay hindi isang administrative obligations kundi isang pundasyon ng kanilang mandato na maghatid ng kalidad na edukasyon sa bawat Bangsamoro learner.


Ang Conference ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa sampung schools divisions offices sa ilalim ng Basic Education, pitong Ministry-Supervised Higher Education Institutions, at TESD Provincial Offices at operating units nito.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page