top of page

MOTC BARMM, pumirma na ng kontrata sa pagitan ng mga construction companies para sa mga itatayong infrastructure projects sa mga pantalan at paliparan sa BARMM

iMINDSPH



Opisyal nang iginawad ng Ministry of Transportation and Communications ang infrastructure contracts sa iba’t ibang construction companies na sinundan ng paglagda ng Memorandum of Agreement sa ilang proyekto.



Ang Notice to Award ay ibinigay sa Khazen Construction na nakabase sa Brgy Tomarompong, Bayang, Lanao Del Sur.



Ito ay para sa konstruksyon ng Lake Port sa Brgy Dirumuyod, Lumbaka Ingud Bacolod-Kalawi, Lanao Del Sur, sa ilalim ng Contract ID No. 24SDF0008, na nagkakahalaga ng Php 24,490,946.58.



Mapapabuti ng proyekto ang transportation at commerce sa lugar.



Naibigay din sa RB Bial Construction, na matatagpuan sa Wingo Subd., Tugung Road, Governor Ramos, Sta. Maria, Zamboanga City ang dalawang infrastructure project.


Una ay ang Contract ID No. 24IGAAB0013, o installation ng Solar Lights sa Lamitan Port sa halagang Php 1,974,878.90.


Ang pangalawang proyekto ay ang Contract ID No. 24IGAAB0018 sa Siasi Port na nagkakahalaga ng Php 1,974,878.90.


Mapapahusay naman nito ayon sa MOTC ang port security at operations,


Samantala, naibigay naman sa Engsu Construction Supplies, na matatagpuan sa 224 4th Road, Urban Poor RH 11, Cotabato City, ang Rehabilitation ng Passenger Terminal Building sa Cotabato Awang Airport sa ilalim ng Contract ID No. 24IGAAB0023, na nagkakahalaga ng Php18,293,526.75.


Inaasahan na mapapaunlad nito ang infrastructure at passenger services ng paliparan.


Habang iginawad naman sa CLA Construction Incorporated, na nakabae sa Blk 3, Lot 10 HB Homes Subdivision, Sinunuc, Zamboanga City, ang konstruksyon ng Storage Facility o Warehouse Building sa Sanga-Sanga Bangsamoro Airport Authority, sa ilalim ng Contract ID No. 24SDF0014, na nagkakahalaga ng Php 24,450,002.65.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page