iMINDSPH

Pinuri ng mga empleyado ng MOTC BARMM ang kabutihang loob ni Minister Paisalin Tago sa handog nitong Ramadan gifts at grocery packages sa mga empleyado ng ministry.

Suporta ito ni Minister Tago sa kanyang mga empleyado ngayong banal na buwan ng Ramadan at pasasalamat na rin ng opisyal sa kanyang mga kawani.

Bahagi rin ito ng pagtataguyod ng pagkakaisa at pagpapalakas pa ng samahan sa pagitan ng mga lider at staff sa patuloy na pagsusulong ng supportive work environment.

Comments