2025 South Cotabato Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Summit, sinimulan na para maitaguyod ang kahandaan sa sakuna para sa mas ligtas at disaster-ready na South Cotabato
- Diane Hora
- 4 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangungunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang summit na layunin na pagtibayin ang ugnayan at kolaborasyon ng mga lokal na lider, emergency responders, institusyon, at mga tagapagtaguyod ng kahandaan sa sakuna para sa mas ligtas at disaster-ready na South Cotabato.
Panauhing pandangal si Mindanao Development Authority (MinDA) Chairperson Secretary Leo Tereso Magno, na nagbahagi ng mahahalagang pananaw hinggil sa sustainable development at risk governance—mga napapanahong usapin na may malaking epekto sa lokal na pamamahala at pag-unlad.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi rin ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. ang bisyon ng lalawigan: isang South Cotabato na matatag, maagap, at nakaugat sa tunay na serbisyo para sa mamamayan.
Comments