2026 proposed budget ng Bangsamoro Pilgrimage Authority na nagkakahalaga ng P278.8M, hinimay na sa patuloy na budget deliberation ng BTA Parliament
- Diane Hora
- Nov 28
- 1 min read
iMINDSPH

Sa patuloy na budget deliberations ng Bangsamoro Transition Authority Parliament Committee on Finance, Budget, and Management, dinipensahan ng Bangsamoro Pilgrimage Authority ang kanilang P278.8M proposed budget para sa susunod na taon.
Ayon sa BPA, nakatuon ang pondo sa pagpapalakas ng capacity-building programs, mas maayos na Hajj at Umrah administration, financing assistance, at mas malawak na impormasyon at advocacy campaigns para sa mga nais magsagawa ng pilgrimage.
Sasaklawin din nito ang benchmarking trips sa Saudi Arabia, exposure programs, koordinasyon sa National Commission on Muslim Filipinos at iba pang partner agencies, awareness activities, send-off at welcome ceremonies, post-Hajj assessments, at subsidies para sa mga dating combatants.
Binigyang-diin ng BPA ang kanilang mahahalagang nagawa, kabilang ang pag-facilitate ng humigit-kumulang 1,000 send-off activities at 1,000 arrival ceremonies para sa mga pilgrims noong 2024.
Nagbigay rin sila ng suporta sa 377 former combatants mula 2023 hanggang 2025 sa ilalim ng Hajj financing program.
Tinalakay rin sa deliberasyon ang mga hakbang upang mapaayos pa ang reservation system para sa Hajj at mapabuti ang mga serbisyo para sa mga pilgrim.



Comments