top of page

2026 Proposed Budget ng MHSD na nagkakahalaga ng P967M, tinalakay ng sub-committee A ng Committe on Finance, Budget, and Management ng Bangsamoro Transition Authority Parliament

  • Diane Hora
  • Nov 26
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa patuloy na budget hearing Committee on Finance, Budget, and Management ng Bangsamoro Transition Authority Parliament, ang 2026 proposed budget naman ng Ministry of Human Settlements and Development ang isinalang sa sub-committee A.

Masusing tinalakay ang proposed P967 million budget kung saan ang malaking bahagi ng pondo na aabot ng P782 million ay inilaan para sa housing and human settlement development program na sumusuporta sa resettlement projects, murang pabahay, disaster shelter assistance at rehabilitation efforts sa mga pamilyang apektado noon ng Bagyong Paeng.

Sa budget deliberations, inireport ng MHSD na sa 5,701 na housing units, mayroong 1,907 ang nakumpleto na, 2,586 ang under construction, 658 ang under procurement at 550 ang sisimulan pa at may dagdag na 69 na training centers ang nakumpleto at malapit nang matapos.

Ayon sa komite, sa lawak ng inisyatibang ito kaakibat ang malaking bahagi ng pondo na nakatuon sa pabahay, ay nangangailangan ng masusing review upang matiyak na matutugunan ng maayos ang tumataas na settlement needs ng rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page