21-anyos na lalaki, huli dahil sa pagdadala ng Baril sa Barangay Poblacion 7, Cotabato City
- Teddy Borja
- May 5
- 1 min read
iMINDSPH

Kulong si alyas "Isra", residente ng nasabing lugar.

Nakuha sa kanya ng otoridad ang isang .45 caliber pistol at magazine na may limang bala.
Inaresto ito alas 7:40 ng gabi, a-3 ng Mayo.
Sa imbestigasyon ng otoridad, naispatan umano ng barangay kapitan at kanyang mga tanod ang suspek na nakatayo sa madilim na lugar.
Nang sitahin, tumanggi umano itong magpakilala. Kaya nang isagawa umano ang body search ng otoridad ay dito na umano natuklasan ang baril.
Agad itong dinala sa barangay hall.
Nakakulong na ang suspek sa Police Station 1 ng Cotabato City Police at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to Omnibus Election Code.
Comments