21-anyos na lalaki, timbog sa Koronadal City dahil sa kasong statutory rape; Suspek, kabilang sa Top 10 Regional Level Most Wanted ng PNP PRO 12
- Teddy Borja
- Dec 9
- 1 min read
iMINDSPH

Napasakamay ng awtoridad ang isang 21-anyos na lalaki na kabilang sa Top 10 Regional Level Most Wanted at nahaharap sa kasong statutory rape. Ang suspek ay kinilala ng awtoridad sa alyas na “Orlan.”
Inaresto siya sa Barangay Zone II ng syudad, araw ng Sabado, December 6, sa bisa ng Warrant of Arrest.
Agad na dinala ang naarestong indibidwal sa Koronadal City Police Station para sa proper documentation at disposition.



Comments