top of page

21 taong gulang na estudyante, timbog sa buy-bust operation ng awtoridad sa Esperanza, Sultan Kudarat, kung saan nasamsam ang mahigit ₱204,000 na halaga ng suspected shabu

  • Teddy Borja
  • 3 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Himas-rehas ang isang estudyante sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad kung saan nasamsam ang mahigit ₱204,000 na halaga ng umano’y shabu.


Bandang alas-7:45 ng gabi, araw ng Biyernes, December 19, nang isinagawa ang buy-bust operation sa Barangay Saliao ng nasabing bayan.


Kinilala ang suspek na isang estudyante na si alyas “Toto,” residente ng T’boli, South Cotabato.


Nasamsam mula sa kanya ang anim na sachet ng umano’y shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 30 gramo, buy-bust money, isang maliit na pouch, isang cellphone, at isang motorsiklo.


Agad na dinala sa Esperanza Municipal Police Station ang estudyante at ang lahat ng nasamsam na ebidensya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon, habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Katuwang ng Esperanza Municipal Police Station at 2nd Sultan Kudarat Police Mobile Force Company sa operasyon ang 1202nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 12, sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page