top of page

23-anyos na lalaki sa Surallah, South Cotabato, timbog sa buy-bust operation ng awtoridad kung saan nasamsam ang 160 thousand pesos na halaga ng suspected shabu

  • Teddy Borja
  • 3 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Kulungan ang bagsak ng isang 23-anyos na lalaki sa buy-bust operation ng awtoridad kung saan nasamsam ang mahigit 160 thousand pesos na halaga ng suspected shabu.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Kris” residente ng Apopong, General Santos City.


Hinuli ito ng awtoridad, 11:05 ng gabi sa Barangay Libertad.


Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Surallah MPS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. Inihahanda na rin ang kaukulang kaso laban sa kanya sa paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Pinuri ni PBGEN Arnold P. Ardiente, Regional Director ng PRO 12, ang mabilis at maayos na aksyon ng mga operatiba ng Surallah MPS.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page