₱238K halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng awtoridad sa isang checkpoint sa Glan, Sarangani Province
- Teddy Borja
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad ang ₱238,000 halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes sa isang checkpoint operation sa National Highway, Brgy. Baliton.
Kinilala ang suspek na si alyas “Monsuer,” 39-taong gulang, residente ng Brgy. Nalus, Kiamba, Sarangani Province.
Naaresto ito, araw ng Miyerkules, December 17, sa Glan, Sarangani.
Habang isinasagawa ang routine inspection sa isang kotse mula Brgy. Pangyan papuntang Brgy. Poblacion, natuklasan ng mga awtoridad ang 298 reams ng puslit na sigarilyo na may standard price na ₱238,168.40.
Dinala ang suspek at lahat ng nakumpiskang items sa Glan MPS para sa dokumentasyon at karampatang legal na disposisyon.
Ang operasyon ay isinagawa ng Municipal Police Station, katuwang ang Provincial Intelligence Unit at 1st Sarangani Provincial Mobile Force Company, sa koordinasyon ng Sarangani Maritime Police Station (MARPSTA), bilang bahagi ng kampanya ng Police Regional Office 12 (PRO 12) laban sa smuggling at iba pang ilegal na gawain.



Comments