₱24.38M halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng PNP PRO 12 sa buong buwan ng Nobyembre kung saan 46 indibidwal ang arestado
- Teddy Borja
- Dec 2
- 1 min read
iMINDSPH

Nasabat ng Police Regional Office 12 ang ₱24.38 milyon halaga ng smuggled cigarettes at naaresto ang 46 indibidwal sa mga operasyon ngayong buwan ng Nobyembre 2025. Apatnapu’t tatlong focused operations ang isinagawa ng awtoridad sa rehiyon.
Ayon sa PRO 12, ang lahat ng nakumpiskang kontrabando ay na-turn over na sa Bureau of Customs (BOC) para sa inventory at tamang disposisyon alinsunod sa umiiral na inter-agency protocols.
Pinuri ni PBGEN Arnold Ardiente, Regional Director ng PRO 12, ang dedikasyon ng mga operating units at binigyang-diin ang patuloy na kampanya laban sa iligal na kalakalan.



Comments