24 anyos na lalaki na High-Value Individual, arestado sa search warrant operation sa Barangay Sudapin, Kidapawan City
- Teddy Borja
- Aug 15
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang 24 anyos na indibwal at nasamsam ng awtoridad ang 47,192.00 pesos na halaga ng illegal an droga sa search warrant operation.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Paul”, 24-anyos, may-asawa at residente ng nasabing barangay.
Sa inspeksyon, narekober ang dalawang malalaking heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 5.89 grams, at apat na maliliit na sachet na naglalaman ng 1.05 grams bawat isa, na may kabuuang timbang na 6.94 grams, na tinatayang may street value na ₱47,192.00. Nakasilid ang mga ito sa loob ng isang empty Far cigarette box.
Isinagawa ang search warrant operation araw ng Huwebes, Agosto 14, 2025, sa Purok 2B, Barangay Sudapin, Kidapawan City.
Naninindigan ang Kidapawan City Police Station sa kanilang malakas na kampanya laban sa iligal na droga at nananawagan sa publiko na patuloy na suportahan ang PNP sa kanilang operasyon kontra-droga.



Comments