iMINDSPH

Arestado ang isang 24-anyos na estudyante matapos makuhanan ng suspected marijuana sa ikinasang Oplan Tulungan Checkpoint sa Don Rabago Extension, Barangay Rosary Heights 4, Cotabato City.
Isinagawa ang operasyon alas 9:00 kagabi, March 3.
Ang suspek ay residente ng Barangay Rosary Heights 5, Cotabato City.
Ayon sa otoridad, narekober mula sa possession and control ng suspek ang isang paper wrap na naglalaman ng suspected marijuana.
Nakatakdang isailalim ng otoridad sa Drug Testing Exam ang naarestong estudyante. Dadalhin naman sa RFU-BARMM ang suspected marijuana na nakumpiska para sa Laboratory Exam at proper custody.
Inihahanda na ng otoridad ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mag-aaral.
Comments