24-anyos na Top 9 Most Wanted Person ng region 12 na nahaharap sa kasong rape, arestado sa Arakan, Cotabato
- Teddy Borja
- May 19
- 1 min read
iMINDSPH

Inaresto ang 24-anyos na si alyas “Lino” a - 17 ng Mayo sa Barangay Datu Ladayon matapos isilbi ng otoridad ang warrant of arrest sa kasong rape.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Arakan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, 1st Provincial Mobile Force Company, at Regional Mobile Force Battalion 12.
Nasa kustodiya na ng Arakan MPS ang naarestong suspek para sa legal proceedings.
Comentarios