iMINDSPH

Sa pinaigting na kampanya ng Cotabato City Police Office laban sa loose firearms, 24 na mga armas ang nakumpiska at isinuko sa CCPO mula January 12 hanggang February 12, 2025.
Ito ang sinabi ni Cotabato City Police Director PCol. Jibin Bongcayao.
Apat naman ang arestado.
Sa 23 police operations ng CCPO mula Enero nitong taon, 23 Wanted Persons ang napasakamay ng otoridad.
Dagdag ng opisyal mayroong 32 outposts sa syudad sa kasalukuyan.
Patuloy din ang pagpapaigting ng police visibility sa syudad.
Comments