25-anyos na lalaki, tiklo sa buy-bust operation sa Datu Piang, Maguindanao del Sur; ₱170K na halaga ng suspected shabu, nasamsam
- Teddy Borja
- Aug 15
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang 25-anyos na lalaki sa buy-bust operation kung saan nasamsam ng awtoridad ang ₱170,204.00 na halaga ng suspected shabu.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Ronel”, 25 taong gulang, residente ng Barangay Ambadao, Datu Piang, Maguindanao del Sur.
Nakuha mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 25.03 grams na may kabuuang halaga na ₱170,204.00.
Nakuha rin mula sa suspek ang marked money na 500 pesos na ginamit bilang buy-bust money.
Ang suspek at ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Koronadal CPS para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Ang operasyon ay kinasa ng pinagsanib na pwersa ng Koronadal City Police Station, Provincial Intelligence Unit (PIU), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng South Cotabato Police Provincial Office, at Regional Intelligence Division (RID) 1, sa layuning labanan ang iligal na droga at panatilihin ang kaligtasan ng komunidad.



Comments