25 Badjao sa Sulu, sumailalim sa skills training ang nakatanggap ng seed capital at livelihood kits mula sa MSSD BARMM
- Diane Hora
- 4 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng pagsisikap na iangat ang antas ng pamumuhay ng mga Badjao, dalawampu’t lima (25) indibidwal ang sumailalim sa magkasunod na pagsasanay sa pagnenegosyo nitong ika-18 hanggang ika-19 ng Disyembre 2025.
Sa ilalim ng Layag Badjao Program ng MSSD, ang mga kalahok ay sumailalim sa Basic Business Management Skills Training na nakatuon sa pagsasanay sa planning, organizing, leading, at iba pang kakayahan sa pamamahala.
Binigyang-diin dito ang pamamahala ng oras upang matulungan ang mga beneficiaries sa kanilang transisyon patungo sa pormal na pagpapatakbo ng kabuhayan.
Isinama rin sa programa ang oryentasyon sa pagsasaka ng seaweed (guso), isang pangunahing industriya sa bansa na nagbibigay ng pagkakataong pang-ekonomiya na makakalikasan. Bukod sa teknikal na aspeto, sumailalim din ang mga kalahok sa values formation session upang hubugin ang kanilang kakayahan sa paggawa ng tamang desisyon, gayundin sa basic bookkeeping at financial literacy para sa wastong pagsubaybay sa kanilang mga kinikita.
Bilang suporta sa pagsisimula ng kanilang negosyo, bawat benepisyaryo ay tumanggap ng PHP 15,000 na seed capital at mga livelihood kit na binubuo ng ice chest at solar light. Nakatanggap din sila ng libreng pagkain, tote bag, at t-shirt.
Sinabi ng MSSD na layunin ng hakababg na palakasin ang kakayahan ng mga Badjao sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman at kagamitan na magagamit nila para sa isang mapayapa at pangmatagalang hanapbuhay.



Comments