255,000 residente ng BARMM, natulungan ng AMBaG mula
- Diane Hora
- Aug 21
- 1 min read
iMINDSPH

Patuloy na pinalalakas ng Bangsamoro Government ang serbisyong medikal para sa mamamayan sa pamamagitan ng Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government (AMBaG) Program, na nakapagtala na ng 255,968 benepisyaryo sa loob at labas ng rehiyon hanggang Hulyo 2025.
Batay sa datos, kabilang sa natulungan ng programa ang:
• 110,182 kababaihan
• 57,748 kalalakihan
• 88,038 kabataan na may edad 15 pababa
Mula Disyembre 2019 hanggang Hulyo 2025, umabot na sa ₱1,146,056,911 ang nailaan para sa medical assistance program.
Isa sa mga pangunahing tulong na ibinibigay ng AMBaG ay ang Zero-Balance Bill, kung saan 84% ng mga pasyente ay nakalalabas ng ospital nang walang binabayarang balanse.
Sa ilalim ng pamumuno ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, at bilang pagpapatuloy ng inisyatiba ni dating Chief Minister Ahod Ebrahim, patuloy ang Bangsamoro Government sa adhikaing matiyak na ang bawat Bangsamoro ay may akses sa serbisyong medikal.



Comments