top of page

26-anyos na negosyante, sugatan sa pamamaril sa Limbo, Sultan Kudarat; awtoridad, blanko pa sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek sa krimen

  • Teddy Borja
  • Nov 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Blanko pa ang awtoridad sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek sa pamamaril sa isang 26-anyos na negosyante sa Limbo, Sultan Kudarat.


Naganap ang insidente alas 3:10 ng hapon noong Nobyembre 12, 2025, sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.


Ang biktima ay residente ng RH-3, Shariff Kabunsuan, Cotabato City.


Batay sa paunang imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang isang pick-up at habang binabagtas umano ang barangay road sa nasabing lugar, bigla itong pinaputukan ng hindi pa nakikilalang suspek gamit ang hindi pa natutukoy na kalibre ng baril.


Tinamaan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang labing-pitong basyo ng bala ang natagpuan sa crime scene.


Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima para sa agarang lunas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page