top of page

26 LOOSE FIREARMS, ISINUKO NG MGA RESIDENTE NG SOUTH UPI, MAGUINDANAO DEL SUR SA PAMUNUAN NG 57TH INFANTRY BATTALION

iMINDSPH



Isinuko ng mga residente ng South Upi, Maguindanao del sur ang dalawampu’t anim na mga armas sa pamunuan ng 57th Infantry Battalion.


Ito ay kinabibilangan ng isang 5.56 MM M16A1 na may M203 Grenade Launcher, dalawang Cal. 30 Garand Rifle, tatlong M1 Carbine, tatlong 7.62MM M14 Sniper Rifle, tatlong M79 Grenade Launcher, isang Cal. .38 Revolver, isang Cal. .22 Revolver, isang Cal. .45 Pistol, isang 9mm UZI at sampung 12-Gauge Shotguns.

Isinagawa ang turn over ng mga baril sa Municipal Gym ng South Upi, a-21 ng Oktubre 2024.

Ayon kay 57th IB Commander, Lt. Col. Aeron Gumabao, ang mas pinaigting na kampanya ng kasundaluhan laban sa loose firearms, sa pamamagitan ng Small Arms and Light Weapons o SALW Management Program, ang nagtulak sa mga residente na boluntaryong isuko ang kanilang mga armas.

Ang mga baril ay pormal na iprinisinta kay Brigadier General Michael Santos, ang Commander ng 603rd Brigade at South Upi Mayor Reynalbert Insular, na Chairman ng Municipal Task Force to End Local Armed Conflict o MTF-ELCAC.

Ang mga baril na isinuko ay sumasailalim na ngayon sa kaukulang pagsusuri ng mga awtoridad.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page