27-anyos na babae, tiklo sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Koronadal City; P71,400.00 na halaga ng suspected shabu nasamsam ng otoridad
- Teddy Borja
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog sa buy-bust operation ng awtoridad ang isang 27-anyos na babae.
Isinagawa ng awtoridad ang buy-bust araw ng Martes, June 3 sa Barangay General Paulino Santos, Koronadal City.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Ging-ging”, residente ng lugar.
Nakuha sa posesyon nito ang hinihinalang shabu na may bigat na mahigit-kumulang 10.5 gramo at may National Standard Drug Price na ₱71,400.00, kasama ang ₱500.00 na marked money na ginamit sa operasyon.
Dinala ang suspek at mga nakuhang ebidensya sa Koronadal City Police Station para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.
Comentarios