27-anyos na magsasaka na nahaharap sa kasong murder at kabilang sa listahan ng Most Wanted ng PNP Maguindanao del Norte, arestado sa bayan ng Sultan Mastura
- Teddy Borja
- Dec 3
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang 27-anyos na magsasaka na nahaharap sa kasong murder.
Ang suspek, na residente ng Barangay Balut, ay kabilang sa listahan ng Top 3 Most Wanted Person ng Sultan Mastura Municipal Police at Top 4 Most Wanted Person ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office.
Isinagawa ng awtoridad ang operasyon noong Lunes, December 1, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 27, na may petsang July 29, 2021.
Nasa kustodiya na ng Sultan Mastura MPS ang naarestong indibidwal para sa documentation.



Comments