27-anyos na utility driver sa Cotabato, artestado sa buy-bust operation sa Barangay Rosary Heights 9
- Teddy Borja
- Aug 19
- 1 min read
iMINDSPH

Isang 27-anyos na utility driver ang arestado sa buy-bust operation ng awtoridad sa Cotabato City.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Haron” na residente ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Isinagawa ang operasyon sa loob ng Virgo Subdivision, Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City, araw ng Lunes, August 18.
Ayon sa awtoridad, naaktuhan ang suspek na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Agad itong dinakip at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad para sa karampatang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.



Comments