275,878 na benepisyaryo, naitalang natulungan ng AMBaG Program ng Office of the Chief Minister
- Diane Hora
- Nov 17
- 1 min read
iMINDSPH

As of October 2025, ayon sa Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government o AMBaG Program, umabot na sa 275,878 na mga indibidwal ang nakabenepisyo sa iba't ibang serbisyo sa ilalim ng programa.
Sa datos ng AMBaG, nasa 118,963 ang mga kababaihan, 62,623 ang mga kalalakihan, at 94,292 naman ang kabataan na 15 years old pababa.
Nananatiling matatag ang AMBaG sa layunin nitong makapagbigay ng 85% na zero-balance assistance bilang tugon sa pangangailangang medikal ng mga komunidad.
Mula Disyembre 2019 hanggang Oktubre 2025, umabot na sa ₱1,216,408,524 ang kabuuang disbursement na naipaabot sa mga ospital at pasyente sa loob at labas ng rehiyon.
Sa ilalim ng pamumuno ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua at sa pagpapatuloy ng programang sinimulan ni Former Chief Minister Ahod Ebrahim, lalo pang pinatitibay ng AMBaG ang paghahatid ng medikal na tulong sa mga komunidad ng Bangsamoro.



Comments