top of page

284 residente sa Kadayangan, SGA, benepisyaryo sa patuloy na libreng serbisyong medikal hatid ng tanggapan ni MP Atty. Naguib Sinarimbo

  • Diane Hora
  • Aug 20
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Dalawang daan at walumpu’t apat na mga residente ng Barangay Tugal, Kadayangan, SGA ang naka avail ng libreng serbisyong medikal sa isinagawang medical mission ng tanggapan ni MP Atty. Naguib Sinarimbo, katuwang ang Ministry of Health (MOH) at ilang pribadong organisasyon.


Naghandog ang MOH ng libreng konsultasyon at gamot para sa mga pasyente, habang may dagdag na serbisyo rin gaya ng libreng gupit at pagkain mula sa mga katuwang na grupo.


Layunin ng inisyatiba na mailapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad sa Special Geographic Area (SGA), partikular na sa mga lugar kung saan mahirap makakuha ng agarang atensyong medikal.


Karamihan sa mga pasyente ay mga magsasaka na matagal nang may iniindang karamdaman ngunit walang kakayanang makapagpatingin sa doktor. Ikinatuwa nila ang pagkakaroon ng libreng serbisyong medikal sa kanilang barangay, kung saan hindi na nila kailangan pang bumiyahe nang malayo para lamang magpakonsulta.


Ipinaabot naman ng tanggapan ng mambabatas ang pasasalamat sa Ministry of Health, Member of Parliament Butch Malang, Barangay Tugal LGU at RHU, 34th Infantry Battalion, mga volunteers, at Philippine Eagles.


Ang hakbang ay suportado ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.


Ang aktibidad ay bahagi ng mas pinalawak na kampanya ng Bangsamoro Government na maihatid ang accessible at inclusive healthcare sa mga komunidad, lalo na sa mga nasa laylayan ng rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page