top of page

287,666 pasyente, natulungan ng programang AMBaG; ₱1,267,950,577.04 na pondo, nailaan ng programa para sa tulong pinansiyal.

  • Diane Hora
  • 2 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa impormasyong ibinahagi ng AMBaG, umabot na sa ₱1,267,950,577.04 ang kabuuang nailabas na pondo para sa tulong pinansiyal sa kalusugan, kung saan 85 porsiyento ng mga benepisyaryo ang nakatanggap ng serbisyong may zero balance o walang iniwang bayarin.


Mula sa pondong ito, umabot sa 287,666 pasyente ang nabigyan ng libreng tulong medikal sa ilalim ng programa as of November 2025.


Binigyang-diin ng AMBaG na sa pamumuno ni Abdulraof Macacua, at sa pagpapatuloy ng inisyatibang sinimulan ni dating Chief Minister Ahod Ebrahim, nananatiling matatag ang layunin ng AMBaG na maihatid ang serbisyong pangkalusugan sa mga Bangsamoro.


Ang AMBaG ay isang flagship program ng Office of the Chief Minister (OCM) na naglalayong tiyakin na ang serbisyong medikal ay abot-kamay at libre para sa lahat ng mamamayan ng Bangsamoro, lalo na ang mga higit na nangangailangan.


Sa patuloy na pagpapatupad ng programa, inaasahang mas marami pang Bangsamoro ang makikinabang sa dekalidad at inklusibong serbisyong pangkalusugan sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page